Home » News » ‘Gone in 10 minutes’

‘Gone in 10 minutes’

Sampung minuto lamang ang inabot para mawala ang kakaparada lamang na motorsiklo ng isang lalaki habang bumibili ng pagkain sa Pasay City.

Ayon sa ulat na nakarating sa Pasay City Station Investigation and Detective Management Branch, bibili lamang ng pagkain sa isang fastfood restaurant ang biktima na si Andy Lafuente, 39 anyos, at asawa nito na si Macaria na parehong residente ng Decena St. sa Pasay City.

Matapos ang sampung minuto ay nagulat na lamang ang mag-asawa na wala na ang kanilang black Suzuki Raider 150 motorcycle na may plakang 54869ND paglabas nila ng restaurant.

Sinabi umano ng security guard sa biktima na kaniyang nakita ang pagnanakaw ngunit nang kaniyang lalapitan ang suspek ay mabilis umano nitong napaandar ang motorsiklo.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek sa pagsusuri nito ng mga closed-circuit television sa paligid ng pinangyarihan ng krimen. (Martin A. Sadongdong)

comments