Home » News » Helicopter bumagsak

Helicopter bumagsak

BINALONAN, Pangasinan – Isang Sikorsky helicopter ang bumagsak sa isang bakanteng lote sa Barangay Canarvacan sa lugar na ito.

Ayon kay PO1 Roberto L. Odullo Jr., galing sa Plaridel, Bulacan ang naturang helicopter na pinalilipad ni Capt. Dante delos Rinos kasama ang isang pasahero na kinilalang si Louie Ibarra nang magkaroon ito ng engine trouble Biyernes ng umaga.

Pareho naman na nakaligtas sina Delos Rinos at Ibarra na sinasabing nasa stable condition sa Sacred Heart Hospital sa Urdaneta City.

Samantala, nasira naman ang bubungan ng isang tahanan nang mahagip ng bumagsak na helicopter. Maliban sa pilot at sakay nito ay wala nang naiulat pa na nasaktan sa insidente. (Liezle Basa Iñigo)

comments