Home » Entertainment » Kiray panalo sa leading men

Kiray panalo sa leading men

Sharon Cuneta

KINAKARIR talaga ni Sharon Cuneta ang pagpapapayat. Fifty pounds na ang nawala sa kanyang timbang, pero aniya hindi pa siya kuntento. Tuloy pa rin ang kanyang pagda-diet para ma-achieve ang dati niyang timbang noong bago niya ipagbuntis si Miel, second daughter nila ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan.

Dahilan kung bakit nagpupursige ang megastar na magpapayat ay excited na siyang magbalik-pelikula. Nakatakda siyang gumawa ng isang pelikula within this year.

May mga humihiling na sana’y ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion ang makapartner ni Sharon. Andiyan pa rin naman ang Sharon-Gabby fans na matagal nang naghihintay na muli silang magsama sa isang reunion project.

Walang weight problem si Gabby dahil physically fit siya. Pormang pang-leading man pa rin ang aktor. Ipinareha nga siya kay Carla Abellana sa GMA series na “Because of You” at tinanggap ang kanilang tambalan despite their age gap.

Nasa hibernation mood ngayon si Gabby matapos ang BOY na post niya sa kanyang social media account, nasa isang tahimik na lugar siya. No cellphone para walang istorbo.

Iba naman ang kalandian

Matapos makipag-kissing scene kina Derek Ramsay at Kean Cipriano sa pelikulang “Love is Blind,” makikipaglandian naman si Kiray Celis kay Enchong Dee sa “I Love You to Death.”
Launching movie ito ni Kiray sa Regal Entertainment. Happy at sobrang thankful ang petite comedienne na tinupad ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang pangako ng mga ito sa kanya nabibigyan siya ng launching movie.
Biggest break ever ito ni Kiray, kaya wish lang niyang tangkilikin at suportahan ang kanyang launching movie. Ayaw niyang mabigo ang expectations sa kanya nina Mother Lily at Roselle na buung-buo ang tiwala sa kanya.

Hindi isyu

Hindi isyu kay Jennylyn Mercado kung nakabog na siya ni Nadine Lustre sa 2016 FHM’s Sexiest Pinay. Nangunguna na si Nadine sa poll survey at pangalawa lang si Jen.

Anang Kapuso actress, naranasan na niyang mag-Number One last year. Masaya, masarap ang feeling. Pero aniya, kung hindi man siya mag-Top One this year, okey lang. Hindi sasama ang loob niya.

Ang nagbabangayan sa social media ay ang respective fans nina Jen at Nadine. Sabi ng pro-Jen, walang K (karapatan) si Nadine at hindi niya deserve mag-Number One. Hindi naman daw sexy si Nadine at di hamak na malakas ang sex appeal ni Jen kahit may anak na siya.

No match daw si Nadine kay Jen dahil hindi raw kapanta-pantasya si Nadine. Kung ayaw ng fans ni Jen na makabog ni Nadine ang kanilang idolo, dapat ay magsipag sila sa pagboto online. Hanggang June 15 nalang ang online voting at dapat todo effort sa pagsanib-puwersa ang fans ni Jen kung ayaw nilang maagaw ni Nadine ang trono kay Jen.

comments