Home » News » Lalaki tinangkang patayin

Lalaki tinangkang patayin

Sugatan ang isang lalaki na tinangkang patayin umano ng kanyang kinakasama sa Quezon City noong Biyernes.

Ang biktima na si Dexter Nicanor, 27, ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at kasalukuyang nagpapagaling sa Quezon City General Hospital.

Ayon kay Supt. Jerico Baldeo, hepe ng Quezon City Police District Station 4, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Yakal Extension, Barangay Capri, Novaliches. Patulog na ang biktima at kinakasamang si Krissel Rodriguez, 23, nang may kumatok sa kanilang pinto.

Binuksan ni Rodriguez ang pinto at narinig ni Nicanor na sinabi niyang “bahala na kayo” sa mga kausap niya.

Umalis si Rodriguez at pumasok ang tatlong lalaki at binaril ang biktima. Sinabi ni Nicanor sa mga pulis nagkaroon sila ng alitan ni Rodriguez bago ang insidente dahil nahuli niyang may ka-text ito. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments