Home » Entertainment » Sunshine willing to give up lovelife for her kids’ sake

Sunshine willing to give up lovelife for her kids’ sake

Sunshine Cruz

TOP priority daw ni Sunshine Cruz ang kanyang tatlong anak na babae kay Cesar Montano na sina Angelina, Samantha at Francheska. Pero ano ang willing niyang i-give up para sa kanyang mga anak?

“Yung career, hindi ko magi-give up. Pag sinabi nilang huminto akong magtrabaho, wala kaming kakainin, hindi pwede.

Pero pag kunwari mayroon akong mapusuan in the future, and sinabi nilang hindi nila gusto para sa akin, hindi ako magdadalawang-isip, bibitiwan ko para sa kanila. Sabi ko nga I couldn’t ask for more, sila yung sobrang kayamanan ko. And I’ll be forever grateful and thankful that I have them,” sabi ni Sunshine nang mag-guest sila ng kanyang mga anak sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Sa ngayon, gusto palang tapusin ni Sunshine ang annulment case nila ni Cesar bago siya pumasok sa panibagong relasyon. Kaya naman pinipili niya munang huwag magka-lovelife habang ongoing pa ang annulment. “Gusto ko kasing mag-start ng clean slate, yung pag tapos na yung annulment. So, I’m hoping for the best na sana nga within the year or bago man lang ako magkuwarenta para naman makakita tayo ng true love,” sabi ng 38-year-old Kapamilya actress.

Pero may mga nanliligaw ba sa kanya ngayon? “May mga nanligaw pero binasted ko kasi walang spark. Parang for my age, I’m turning 39, kung walang spark papatagalin mo pa ba? Tapos sila mga kuwarenta mahigit na, e baka mamaya sisihin ka pa. So, ang akin parang kung wala namang spark, turn down na. And I know God is preparing someone for me, yung the best pine-prepare Niya.”

Natanong naman ang mga anak ni Sunshine kung okay lang ba sa kanilang magka-lovelife na ulit ang mommy nila? “Yeah, we just want her to be happy,” ani Angelina, na sinang-ayunan din ng dalawang kapatid niya.

Pag-amin pa ni Sunshine, ang mga anak na nga raw niya ang nagtutulak sa kanya para magkaroon ng panibagong lovelife. “Sila pa yung nagpu-push sa akin na makipag-date. Ang sabi ko, ‘Wala pa nga.’” (GLEN P. SIBONGA)

comments