Home » News » 1 patay sa truck-jeep collision

1 patay sa truck-jeep collision

GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Patay ang isang 36-taong gulang na lalaki sa banggaan ng trailer truck at owner-type jeep nitong madaling araw ng Sabado sa Export Processing Zone Authority (EPZA) Diversion Road sakop ng Barangay Bacao II.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Primitivo Dagupio Cadelina, jeepney driver at residente ng 102 B-III Fort Bonifacio, Makati City.

Dead on arrival siya sa Divine Grace Hospital dahil sa matinding pinsala sa katawan. Inaresto ng pulis si Vincent Delmiguez Rojas, 34, driver ng Isuzu Tractor Head trailer truck na nakabanggaan ng jeep ng biktima.

Naganap ang aksidente malapit sa Cavite EPZA Gate III at gasoline station dakong 3:30 a.m., Sabado. (Anthony Giron)

comments