Home » News » Lalaki pisak sa truck

Lalaki pisak sa truck

Patay ang isang lalaking sakay ng bisikleta ng mabundol at masagasaan siya ng isang 10-wheel truck sa Pedro Gil St., Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Gil Garcia, 50.

Ayon sa driver ng truck na si Editho Paulin, nag-counter-flow siya ng makarinig siya ng kalabog sa likod ng sasakyan.

Bumaba si Paulin at nakita niya ang biktima at ang kanyang bisikleta na sumabit sa truck. Nangyari ang insidente mapalit sa Manila Police District-Station 6.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Paulin. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments