Home » News » 2 dalagita nalunod sa beach

2 dalagita nalunod sa beach

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Dalawang high school students ang nalunod sa isang beach sa Bagong Barrio, Bonuan Binloc, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng Dagupan City Police ang mga biktima na sina Karen Madraso,14, 3rd year high school student; at Myla Carvajal,15, 4th year high school student, kapwa residente ng Sitio Korea, Bonuan Binloc, Dagupan City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumalangoy ang dalawang dalagita sa dalampasigan ng Bonuan Binloc nang biglang sila tangayin ng alon at malunod bandang 4 p.m.

Tinangka silang iligtas ng kasama nilang si Mhelbert Monsales, 12, 1st year high school student, ngunit huli na ang lahat. Dead on arrival ang dalawa sa Region 1 Medical Center. (Liezle Basa Iñigo)

comments