Home » News » Buntis sugatan sa pamamaril

Buntis sugatan sa pamamaril

Isang buntis at batang babae ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa Quezon City noong Sabado.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 4 ang mga biktima na sina Shienna Galang, 18, at Princess Jazz.

Ayon sa imbestigasyon, patulog na ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang pinto ng kanilang bahay.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang mga biktima at kaagad na dinala sa ospital samantalang nakatakas ang mga suspect.

Hinala ni Galang na target ng mga suspect ang stepfather ng kanyang boyfriend na nagkaroon ng alitan sa isang taong hindi niya gaanong kilala. (Francis T. Wakefield)

comments