Home » News » Jeepney driver nagbigti

Jeepney driver nagbigti

Nagpakamatay umano ang isang jeepney driver pagkatapos makipagtalo sa kanyang kinakasama sa Tondo, Manila kahapon. Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Reynaldo Bosales, 43.

Bago ang insidente, nagkaroon ng alitan ang biktima at kanyang kinakasamang si Rachel Ann Campo sa loob ng kanilang bahay.

Pumasok ang biktima sa banyo at nagkulong. Hindi lumabas ang biktima pagkaraan ng ilang minuto at dahil dito, binuksan ni Campo ang pinto at nakita niya ang biktima na nakabitin at may strap ng bag na nakapulupot sa kanyang leeg.

Kaagad na humingi ng tulong si Campo sa mga otoridad upang ibaba ang biktima pero wala na itong buhay. “Nag-away sila dahil gumagamit daw ng pinagbabawal na gamot ’yung lalaki.

Pinababayaan asawa niya at mga anak kaya nilayasan siya. Nagmamakaawa sa babae na wag sila iwan. Sinundan sila sa bahay.

Ayaw pagbigyan ng babae. Kaya nagbigti,” sinabi ni PO3 Dennis Turla, may hawak ng kaso. Nagsisi si Campo, na may tatlong anak sa biktima sa nangyari pero huli na ang lahat. (Jenny F. Manongdo)

comments