Home » News » Paslit nalunod sa timba

Paslit nalunod sa timba

Namatay ang isang paslit pagkatapos umano itong malunod sa isang baldeng puno ng tubig sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Miguel dela Cruz, residente ng Barangay San Antonio.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, QCPD-CIDU chief, lumabas ang ina ng biktima na si Evangeline Manabat upang bumili ng taho nang biglang sumigaw ang anak na si Marvin na patay na ang kanyang kapatid.

Bumalik ang biktima at nakita niya ang anak na nalunod sa isang timba ng tubig sa kusina. Dinala ni Evangeline ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay.

Walang nakitang anumang sugat o bali sa katawan ang mga pulis sa biktima at masusi nang iniimbestigahan ang insidente. (Francis T. Wakefield)

comments