Home » Entertainment » Dalaga na si Hopia

Dalaga na si Hopia

TRINA Legaspi

DALAGANG-dalaga na si Hopia, ang batang matabang napanood natin noon sa “Goin’ Bulilit.” Magkasama sila ni Kiray Celis sa naturang kiddie gag show. Chubby pa noon si Hopia at nalinya siya sa pagko-comedy dahil sa kanyang katabaan.

Trina Legaspi na ang screen name ngayon ni Hopia na hindi agad namin nakilala noong presscon ng “I Love You to Death” kung saan magkasama sila ni Kiray. Pumayat na si Trina at very ladylike na magsalita at kumilos. How time flies!

Comm Arts graduate si Trina sa Miriam College, pero aniya, gusto pa rin niyang mag-showbiz. Bukod sa acting, gusto niyang masubukan mag-host. Peg niya si Toni Gonzaga na pwede sa aktingan at hostingan.

Happy si Trina na magkatrabaho sila ng childhood friend niyang si Kiray Celis sa “I Love You to Death.” Happy siyang nabigyan si Kiray ng break na makapag-bida sa pelikula. Wish ni Trina na mabigyan din siya ng pagkakataon or kung hindi man, sana raw ay tuluy-tuloy lang ang kanyang showbiz career.

comments