Home » Entertainment » Jessy now leading sexiest Pinay poll

Jessy now leading sexiest Pinay poll

Sarah Geronimo

SA latest and unofficial poll results ng FHM’s 100 Sexiest Pinay 2016, nangunguna na si Jessy Mendiola. Number 2 si Nadine Lustre na Number One noong nakaraang botohan. Pangatlo na lang si Jennylyn Mercado na sa mga nakaraang poll voting ay nanguna, then pumangalawa kay Nadine.

Today ang huling botohan at dapat mag-double or triple effort ang fans ni Jennylyn sa pagboto kung gusto nilang mag-Top One ang Kapuso actress.

Sa latest post ni Jen sa kanyang Instagram account, super sexy ang photos niya na naka-two-piece swimwear noong nagbakasyon siya sa Cebu kamakailan. Gusto kayang patunayan ni Jen na siya ang karapat-dapat mag-Number One sa FHM’s 100 Sexiest Pinay 2016?

Sa totoo lang, kabog ni Jen ang ibang female stars na ka-edad niya o younger sa kanya. May anak na si Jen, pero super hot and sexy pa rin ang dating niya. At 29 years old, yummy, delicious at desirable pa rin ang hot momma. Di ba, Dennis Trillo?

Ano kayang sakit?

Ayaw sabihin ni Sarah Geronimo kung ano talaga ang sakit niya. Sabi niya, wala namang dapat ipag-alala ang fans and supporters niya dahil may aayusin lang sa kanyang health condition. Magbabakasyon siya for two months para makapagpahinga. Baka raw sa abroad siya magbabakasyon.

May mga nag-iisip na hindi raw kaya buntis at naglilihi si Sarah? Pumapayat daw kasi ang tingin nila sa singer-actress. Komo ba payat, buntis agad? Baka mag-panic ang kanyang mommy Divine?

Baka naman kailangan lang talaga ni Sarah magpahinga? All these years, since 15 years old siya noong nanalo siya sa isang singing search ay panay trabaho ang tutok niya. Turning 27 (or 28?) na siya sa birthday niya next month.

Wait nalang tayo kung ano nga ba talaga ang sakit ni Sarah? Wala namang naililihim sa showbiz. Lalabas at lalabas din ang katotohanan.

Bagong intriga

May bagong intriga na naman kay Marian Rivera. May tsikang nakarating sa amin na diumano’y nu’ng nag-imbita siya ng ilang female at beking friends sa house nila ni Dingdong Dantes para mag-bonding sila, pinagsabihan daw silang host ng “Yan ang Morning.” Bawal daw sila tumingin o sumulyap kay Dingdong pag bumaba ito ng hagdanan.

Nagtaka raw ang mga sinabihan ni Marian. Pero hindi nalang sila nagtanong kung bakit? Hindi kaya joke time lang ’yun ni Marian? O, huwag sabihing super selosa siya at gusto niya’y siya lang ang titingin sa kanyang asawa? Grabe naman kung totoo ’yun!

In any case, tutok lang sa “Yan ang Morning” episode today at 9:30 a.m., featuring mga hugot lines ng magkaka-love team na Miguel Tanfelix at Bianca Umali at “Starstruck 6” winners na sina Migo Adecer at Klea Pineda. May mga bagets na magse-share ng hugot lines at papayuhan sila nina Miguel at Bianca. Kakantahan naman sila nina Migo at Klea.

Going strong

Kapuwa pinaninindigan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona na walang pwedeng magdikta sa kanila tungkol sa kanilang relasyon. Kapag tinatanong sila sa estado ng kanilang relasyon, pareho sila ng sagot. Okey sila at going strong ang kanilang relasyon. Hindi isyu sa kanila kung magkaiba sila ng kapareha sa kanilang respective TV series.

Walang selos factor si Elmo sa mga kissing scenes ni Janine with Aljur Abrenica sa “Once Again.” Ang lakas ng screen chemistry nina Janine at Aljur at marami ang nagwi-wish na maging sila na off-camera.

May pahayag si Aljur na kahit may boyfriend ang isang babaeng type niya, liligawan niya ito. Hindi niya itinangging like niya si Janine dahil wala siyang nakikitang negative sa leading lady niya sa “Once Again.” Tutok lang sa mga kaganapan sa kanilang TV series sa GMA Telebabad.

comments