Home » Entertainment » Michael V. is Kim’s desired leading man

Michael V. is Kim’s desired leading man

Pantasya Ng Bayan ang tawag sa sexy Kapuso star na si Kim Domingo.

Dahil sa malakas na sex appeal ni Kim na sinamahan pa ng napaka seksing katawan, hindi kataka-takang isa siya sa 100 Sexiest Women ng FHM Philippines ngayong 2016.

Pero ayon kay Kim, hindi naman daw niya hinangad ang maging number one.

Masaya na raw siyang nakapasok siya sa 100.

“Dream ko before, ‘yung makaram-pa ako sa 100 Sexiest.

“Sana hanggang sa huling botohan ay kasama pa rin ako,” ngiti pa ni Kim na napapanood sa teleserye na “Juan Happy Love Story” ng GMA-7.

Kaka-break lang ni Kim sa kanyang non-showbiz boyfriend pagkatapos ng ilang taong relasyon.

Sa mga may balak daw ligawan si Kim, may mga qualities daw siyang hinahanap sa magiging susunod na boyfriend niya.

“Kailangan God-fearing, tapos mabait.

“At saka alam mo ‘yung kahit kayo na, araw-araw kang liligawan, hindi nagbabago ang pagiging sweet niya,” ngiti pa niya.

Sa ginanap na Facebook Q&A ni Kim kamakailan, heto ang ilang mga tanong na sinagot niya:

Sino sa Bubble Gang boys and pinaka-close mo?

Lahat naman sila ka-close ko pero mas nakakausap ko ‘yung mga boys, most of the time si Boy2.

Anong pakiramdam na ikaw ang binansagang ‘Bagong Pantasya ng Bayan’?

Syempre may halong pressure kasi syempre, ‘yung first, sa pagkakaalam ko, si Joyce Jimenez ‘yung unang pantasya ng bayan so happy din naman ako na nabansagan ako as pangalawang pantasya ng bayan.

Sino gusto mong maging leading man?

Matagal ko nang tinatago pero ngayon, sasabihin ko na talaga. Si Kuya Bitoy (Michael V.) talaga gusto ko maging leading man. Basta siya.

Ano ang advantages and disadvantages ng pagiging maganda at sexy?

Advantage kasi lagi kang tinitingnan. Disadvantage, nababastos ka.

Anong pakiramdam na nakakatrabaho mo si Heart Evangelista?

Sobrang saya tapos syempre, may pressure. Nahihiya. Lalo na nung umpisa. Syempre, Heart Evangelista ‘yung katrabaho ko. Dati napapanood ko lang tapos ngayon nakaka-eksena ko na so sobrang happy ako. (RUEL J. MENDOZA)

comments