Home » Entertainment » After throat surgery, Aicelle Santos set to sing again in rock musical

After throat surgery, Aicelle Santos set to sing again in rock musical

Aicelle Santos

MARAMI na ang nakaka-miss sa pag-awit ng Kapuso singer at Traffic Diva ng “Eat Bulaga” na si Aicelle Santos.

Sumailalim sa isang surgery sa kanyang lalamunan si Aicelle noong nakaraang buwan at patuloy itong nagpapahinga para sa tuluyang paggaling niya.

Kailangan kasi ng sapat na pahinga ni Aicelle dahil inaabangan na ang muling pagbabalik niya sa Pinoy rock musical na “Rak of Aegis” na nasa ika-limang pagbalik nito sa entablado.

Dito nagbida si Aicelle at nakakaramdam siya ng matinding kaba sa kanyang pagbalik.

Sa kanyang social media account na Instagram ay binahagi ni Aicelle ang kanyang excitement and at the same, ang kanyang takot sa muling pagbalik sa entablado para kumanta.

“Getting emotional watching the cast of ‘Rak of Aegis’ rehearse for its fifth run.

“Mangha sa galing ng bawat isa sa entablado, saya dahil muling makakapiling ang aking pamilya, may takot at kaba kung muling maaabot ang mga kanta,” post pa ni Aicelle.

Simula noong maoperahan si Aicelle ay panay ang dasal nito na muling bumalik ang kanyang lakas at hindi mawala ang kanyang tinig na isang talent na bigay ng Panginoon sa kanya.

Kahit na may mga pangamba si Aicelle sa muling pag-awit niya, nanatili siyang positive na hindi nawala kundi mas gumanda pa ang boses niya.

Heto ang post ni Aicelle:

“But I will hold on to you Jesus for I am healed!

“Few more days ’til I take the stage again and sing for Your glory Lord!

“And I shall be again witness and a testimony of your healing power and miracle. Maraming salamat po, Panginoon.”

Isa pang nagpapalakas ng loob ni Aicelle ay ang kanyang inspirasyon at ang nababalitang boyfriend niya, ang GMA News correspondent na si Mark Zambrano.

Hindi nga nawala sa tabi ni Aicelle si Mark simula noon maging opisyal ang kanilang relasyon. At kabilang si Mark sa parating nagdarasal sa mabilis na paggaling ng kanyang “mahal”.

Ang tawag ng netizens sa tandem nila ay “AiMark”. (RUEL J. MENDOZA)

comments