Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ai-Ai pinagpantasyahan si Vic

Ai-Ai pinagpantasyahan si Vic

Aiai and Vic

ANG saya ng presscon ng “Hay, Bahay!” dahil sa mga paandar ni Ai-Ai de las Alas tungkol sa kanila ni Vic Sotto.

Aniya, mas pumogi si bossing ngayong may asawa na ito (si Pauleen Luna). “May sex life na siya (Vic). Wala na akong pag-asa,” ani Ai-Ai.

Aniya pa, nagpantasya siya noon kay Vic at gusto niyang makipag-sex sa TV host-comedian. “Kaya lang, marami akong restrictions. Marami akong arte. Gusto ko, walang tanggalan ng bra. Eh, meron ba namang nagse-sex na naka-bra (laughs)?” wika ni Ai-Ai.

Dagdag pa ng Comedy Queen, hindi siya makasingit noon kay Vic dahil parati itong may girlfriend. “Nanghinayang ako na hindi ko natikman si Bossing,” pakuwela pa ni Ai-Ai.

Pero siyempre, biro lang (pwede ring may halong katotohanan) ang mga sinabi ni Ai-Ai dahil aniya, “Seriously, ayoko ng bastusin ang friendship namin ni Bossing. Matagal na kaming magkaibigan. Ayokong mabahiran ng kalaswaan dahil boss ko siya literally.”

Friends forever

“Alam ko naman, type niya (Ai-Ai de las Alas) ako,” joke naman ni Vic Sotto. Aniya, gano’n sila kakomportable sa isa’t isa, kaya gano’n ang biruan nila. “We can talk about anything, everything. Nagkasama na kami noon sa “143” (sitcom ng GMA7) at sa pelikula. Nu’ng lumipat siya sa kabilang network, hindi nawala ’yung friendship namin. Nu’ng gawin namin ang “Enteng ng Ina Mo,” lalo kami naging close bilang magkaibigan,” pahayag ni Vic.

Last year ay magkasama rin sina Vic at Ai-Ai sa “My Pabebe Love,” entry sa Metro Manila Film Festival.

Ngayong magkatrabaho na naman sila, aniya’y parating Masaya sa set ng “Hay, Bahay!” Kahit pagod at ngaragan sila sa pagpupuyat, nawawala ang pagod nila dahil sa masayang atmosphere. “’Yun ang importante. Masaya kami sa ginagawa namin,” saad ni Vic.

Bonding time

Pauleen lang ang tawag ni Oyo Sotto kay Pauleen Luna, his stepmother. Pero ayon kay Oyo, ’andun ang respeto niya sa asawa ng kanyang daddy (Vic Sotto). Happy siya for his dad dahil nakikita niyang masaya ito sa buhay may asawa nito ngayon. “For the longest time, single si daddy. Ang laki ng pagbabago niya ngayong may asawa na siya uli,” sabi ni Oyo.

Puring-puri ni Oyo si Pauleen dahil maalaga ito sa kanyang daddy. Nag-e-effort din daw si Pauleen na i-text sila para yayaing mag-dinner sila with his daddy. “We don’t expect too much from dad and Pauleen. Ang importante, ’yung bonding namin. Nakakatuwa ’yung mga kuwentuhan namin. Lahat positive. Masaya!” lahad ni Oyo.

Idedemanda

Mamaya sa “Once Again,” sasabihin ni Aldrin (Aljur Abrenica) kay Des (Janine Gutierrez) ang tungkol sa regression.

Magsisisi si Lukas (Joko Diaz) sa nagawa niya kay Des. Sasabihin ni Aldrin kay Celeste (Thea Tolentino) na idedemanda niya si Lukas kapag ginawa niya uli ’yun kay Des.

Hihingi ng R1 million si Carmen (Chanda Romero) kay Agnes (Sheryl Cruz) kapalit ng pagturo niya kung nasaan ang anak nito. Kakalat sa social media ang picture ni Des na mang-aagaw ng boyfriend. Malalaman ni Aldrin thru IT na si Celeste ang gumawa ng picture ni Des sa Facebook.

comments