Home » News » News Roundup » Babae sinaksak ng lasing

Babae sinaksak ng lasing

Sugatan ang isang babae nang siya ay saksakin at bugbugin umano ng isang lasing na kanyang sinaway dahil sa pagiging maingay nito noong Lunes sa Ermita, Manila. Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang suspect na nakilalang si Norberto Canonayon, 37.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District Station 5, nagising ang biktimang si Thelma Susmena, 48, dahil sa ingay sa labas ng kanyang bahay. Lumabas ang biktima at nakita niyang nakikipaginuman ang suspek sa kanyang mga kaibigan. Sinaway ng biktima ang suspek dahil sa pagiging maingay.

Nagalit ang suspek at kumuha ng balde ng tubig si Canonayon at ibinuhos kay Susmena. Kinaladkad ng suspek ang biktima at binugbog pero nakatakbo sa bahay si Susmena at kumuha ng patalim. Sumunod ang suspek at nasaksak siya ng biktima sa braso.

Naagaw ng suspek ang patalim sa biktima at sinaksak naman siya sa leeg. Dumating ang mga tanod at dinala ang dalawa sa ospital. (Analou de Vera)

comments