Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Barangay official pinaslang

Barangay official pinaslang

LUCENA CITY, Quezon – Pinaslang ang isang barangay official ng isang di kilalang lalaki sa basketball court ng Greenhills Phase 2, Barangay Market view ng lungsod kahapon ng umaga.

Ayon sa police report, naglalakad ang biktimang si Oliver Narez Aurellano, 35, sa basketball court nang malapitan siyang pagbabarilin ng isang armadong lalaki.

Namatay noon din ang biktima dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabigong mahuli ng mga patrol cops ang salarin nang habulin nila ito.

Kasalukuyang pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang krimen para malaman kung may kinalaman sa trabaho ng biktima sa barangay ang pagpatay. (Danny J. Estacio)

comments