Home » Entertainment » Karla-Jolina-Melai bond now stronger

Karla-Jolina-Melai bond now stronger

Melai Cantiveros, Karla Estrada and Jolina Magdangal

MAS tumatag daw ang friendship nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros nang magsama-sama sila bilang hosts ng ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.” Una silang na-ging magkakaibigan nang maging contestants sila sa first season ng impersonation show na “Your Face Sounds Familiar,” kung saan naging grand champion si Melai.

“Actually, doon pa lang sa ‘Your Face’ may Viber group na kami e, kaming lahat na contestants. So, kahit walang trabaho, nag-uusap pa rin kami. Pero siyempre kaming tatlo na lang nina momshie Karla at momshie Melai dito sa ‘Magandang Buhay’ and masasabi kong mas tumibay ’yung friendship naming tatlo. Mas marami kaming napagkukuwentuhan tungkol sa buhay-buhay, pati sa pamilya o kahit sa personal na mga pinagdadaanan,” sabi ni Jolina.

Dagdag ni Karla, “Basta kami nakasuporta lang sa isa’t isa. Nakatulong din na pare-pareho kaming mommies, so ako ang madalas nilang hingan ng payo bilang sa aming tatlo ako ’yung pinakamaraming anak, and of course, malalaki na ang mga anak ko.”

Ayon naman kay Melai, “At saka ’yung biruan namin ni momshie Karls sa show kuwan lang iyon char-char lang ba. Sanay na kasi kami sa isa’t isa kaya hindi naman kami nagkakapikunan. So, si momshie Jols naman kumbaga ang taga-awat o pumapagitna sa amin. Masaya lang sa set.”

Bukod sa masayang friendship, happy rin ang tatlong “Magandang Buhay” hosts dahil laging pinag-uusapan at nagte-trending sa social media ang kanilang show. Natutuwa rin sila sa mataas na ratings na naitatala ng kanilang show.

Kabilang sa pinag-usapang episode ng “Magandang Buhay” ay ang episode kung saan first time na napanood si KC Concepcion kasama ang mga kapatid na sina Miel, Frankie, at Miguel. Nakita sa nasabing episode ang other side ni KC bilang ate na iniidolo ng kanyang mga kapatid.

Sa “Magandang Buhay” rin unang nagpa-interview na magkasama sina Billy Crawford at Coleen Garcia, na nagkuwento ng kanilang love story at mga plano nila. Dito rin nagsimula ang loveteam na KarJo nina Karla at daddy ni Coleen na si Jose, na nauwi sa isang movie date.

Next week ay papasok na ang “Magandang Buhay” sa kanilang second monthsary. Isang pasabog at exciting line-up of guests and topics ang nakahanda para sa viewers. Mapapanood ang “Magandang Buhay” mula Lunes hanggang Biyernes, 7:30 a.m., pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda” sa ABS-CBN. (GLEN P. SIBONGA)

comments