Home » Entertainment » Kristine no longer doing drama

Kristine no longer doing drama

Kristine Hermosa

KASAMA sa cast ng “Hay, Bahay! ang real-life couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Mag-asawa rin ang ginagampanan nilang role sa naturang sitcom na mapapanood sa GMA7 every Sunday simula sa June 19 pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”

Ani Kristine, may mga offer sa kanya ang rival network nito, pero tinanggihan niya. Ayaw na niyang mag-drama. Ayaw na niyang umiyak. Nu’ng alukin siya ng kanyang father-in-law (Vic Sotto) kung type ba niya ang comedy show, agad siyang pumayag, ayon kay Kristine.

Nilinaw niyang matagal na siyang walang kontrata sa kabilang network. Pero nagpaalam pa rin siya kina Mr. Johnny Manahan at Tita Mariole. Ani Kristine, ang mga ito lang ang importante sa kanya. “Okey sila. Mahal nila ako,” she said.

Ayon pa kay Kristine, masaya at excited siya sa “Hay, Bahay!” dahil kapamilya niya ang mga katrabaho niya, her husband (Oyo) and father-in-law (Vic Sotto).

Nu’ng first taping day niya’y napaiyak siya noong paalis na siya ng bahay, ayon kay Kristine. Umiyak kasi ang mga anak nila dahil hindi sanay ang mga ito na wala siya sa bahay. Nu’ng naging mag-asawa sila ni Oyo, ang kanyang pamilya ang priority ni Kristine.

She’s four months pregnant sa third child nila ni Oyo. ’Yung panganay nilang si Kiel ay adopted son nila. Baby boy na naman ang ipinagbubuntis ni Kristine. Girl sana ang gusto nila ni Oyo dahil isa pa lang ang anak nilang babae, si Ondrea Bliss. Ani Oyo, hindi sila titigil hanggang hindi sila nagkakaanak uli ng babae.

comments