Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pondo laban sa drug traffickers

Pondo laban sa drug traffickers

ZAMBOANGA CITY – Naglaan ng pondo ang pamahalaang local para sa perang pabuya sa sinumang tao na makakapagbigay ng impormasyon para madakip ang mga drug traffickers sa lungsod na ito.

Sinabi ni City Mayor Maria Isabelle Climaco na personal na nagpasalamat ang bagong police regional director sa pamahalaang lungsod dahil sa paglalaan nito ng pondo para mapalakas ang kani-lang kampanya laban sa bawal na gamot.

Pina-igting ng pulisya at iba pang law enforcement agencies ang kampanya laban sa droga sa siyudad na ito bilang pagsuporta sa layunin ni President-elect Rodrigo Duterte na tapusin ang problema sa bawal na droga at korupsyon sa loob na anim na buwan. (Nonoy E. Lacson)

comments