Home » News » News Roundup » 2 holdaper timbog sa Pasay

2 holdaper timbog sa Pasay

Dalawang hinihinalang holdaper ang arestado pagkatapos nakawin ang cellphone ng isang call center agent sa Pasay City kamakailan.

Kinilala ni PO2 Noel Burden, may hawak ng kaso, ang mga suspek na sina Rolando Villanueva, alias “Sadam,” 25, at Junel de Jose, alias “Juneo,” 22, parehong residente ng Pasay.

Ayon kay Burden, papasok ang biktima na si Lloyd Michael Choi, 22, ng Binondo, Manila at naghinintay ng taxi sa kanto ng Buendia at Taft Ave.

hawak ang kanyang iPhone 6 nang lumapit ang mga suspek. Sapilitang dinala ang biktima sa madalim na bahagi ng lansangan at kinuha ang kanyang gadget.

Napansin ng mga otoridad ang insidente at hinabol ang mga suspek na naaresto pagkatapos ng isang saglit na habulan.

Narekober sa mga suspek ang cellphone ng biktima at mga patalim. Kinasuhan ng theft at Illegal Possession of Bladed Weapon ang mga suspect. (Martin A. Sadongdong)

comments