Home » News » News Roundup » 2 magkaibigan binaril

2 magkaibigan binaril

Pinagbabaril hanggang mamatay ang dalawang magkaibigan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Jerome Milan, 36, construction worker, at Edward Narvarte, alias “Don-Don”, 38, parehong residente ng Barangay Holy Spirit.

Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Homicide Section ng QCPD-CIDU, nakarinig ng mga putok ng baril ang isang residente.

Lumabas pagkaraan ng ilang minuto ang residente at nakita niya ang mga biktimang nakahandusay sa kalye at napapalibutan ng mga usisero.

Natagpuan malapit sa bangkay ng mga biktima ang mga basyo ng bala ng 9mm. Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na kaagad nilang ikinamatay.

Hinala ng mga pulis na personal ang dahilan ng pagpaslang sa mga biktima. (Francis T. Wakefield)

comments