Home » Entertainment » Bae Alden admits he’s super seloso

Bae Alden admits he’s super seloso

Alden Richards

Kung may isang ugali raw na hindi maitago ni Pambansang Bae Alden Richards ito ay ang kanyang pagiging masyadong seloso.

Sobrang bilis daw maapektuhan ni Alden kapag may pinagseselosan siya. Kaya kung anu-ano na raw ang naiisip niya kapag inatake na siya ng selos.

Pag-amin niya: “Aminado naman ako, seloso ako. Ma-ano ako, eh, mabilis ako maka-misinterpret.

“Kumbaga ‘pag nakita ko ‘yung isang bagay kung anu-ano na tumatakbo sa isip ko.”

Pero kapag pinaliwanagan naman daw siya, mabilis din daw mawala ang selos na nararamdaman niya.

“Pero, ‘yun nga, sabi ko nga, mababaw lang ako ‘pag ganyan, ipaliwanag lang sa akin maiintindihan ko naman.

“Kaya lang siyempre minsan, ‘yung una inis. May ganun sa selos, eh. May unang inis, na parang, hirap tangalin, eh,” diin pa ni Alden.

Kasama raw sa mga nagiging selos niya ay ang mga lalake na nali-link sa kanyang Kalye-serye love team na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

‘Yung mga selos daw na napapanood sa kanya sa Kalyeseryeng “Eat Bulaga” ay totoo raw at hindi scripted, lalo na raw kapag may nababanggit na pangalan ng ibang lalake si Maine.

Kaya may warning si Alden sa mga lalakeng gustong ma-link sa kanyang ka-loveteam: “Alamin n’yo rin ‘yung limits n’yo.”

Isa pang inamin ni Alden ay paminsan-minsan ay matampuhin daw siya.

Pero madali naman daw mawala ang kanyang pagiging matampuhin basta kausapin daw lang siya at kung kailangan mag-sorry sa kanya ay mas okey daw iyon.

Hindi rin daw siya kailangan idaan pa sa kung anu-anong regalo pa.

“Ako, di ko naman kailangan na may regalo, may special treatment.”

Kaabang-abang naman ang pelikula nila ni Maine na kinunan sa Italy.

Ipapalabas ito sa July para sa first year anniversary ng loveteam nila ni Maine na ALDUB. (RUEL J. MENDOZA)

comments