Home » News » News Roundup » Drug pusher tinodas

Drug pusher tinodas

Isang hinihinalang drug pusher ang pinatay sa Bukang Liwayway St., Tondo, Manila noong Miyerkules. Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Francis Roque, 31.

Ayon sa MPD, inaayos ng biktima ang tent na gagamitin sa lamay ng kanyang tiyuhin nang dumating ang isang lalaki at binaril si Roque sa ulo.

Tumakas ang biktima sakay ng motorsiklong minaneho ng isang kasama patungong Yuseco St. Ang suspek ay tinatayang may tangkad na 5’5”, katamtaman ang pangangatawan, brown complexion, at nakasuot ng puting T-shirt at maroon na shorts.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. Hinala ng kinakasama na pinatay ang biktima dahil hindi siya nakapagbayad sa supplier ng shabu na kanyang ibinebenta. (Jenny F. Manongdo)

comments