Home » News » News Roundup » Obrero nagkalasog-lasog

Obrero nagkalasog-lasog

Agad na namatay at lasog-lasog ang katawan ng isang 25 taong gulang na construction worker pagkatapos mahulog mula sa ika-32 palapag ng ginagawang condominium sa Scout Borromeo, Barangay South Triangle, Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Christian Dellama ng NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City.

Ayon sa salaysay ng kasamahan ng biktima na si Roderick Regondolla, nagpapahinga sila pagkatapos magkabit ng scaffolding sa ika-23 papalag nang makarinig sila ng kalabog sa ibaba.

Kaagad na tinawag ni Regondolla si Dellama na magisang nagtratrabaho sa ika-32 palapag. Hindi sumagot ang biktima at dahil dito, hinananap nila si Dellama hanggang makita nila itong nakahandusay sa ika-siyam na palapag.

Dinala ang biktima na nagtamo ng sugat at matinding bali sa katawan sa ospital pero hindi na siya umabot ng buhay. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments