Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Yasmien slims down for husband

Yasmien slims down for husband

Yasmien, Mark, Katrina

HINDI naman siguro ika-o-offend nina Katrina Halili at Jennylyn Mercado ang sinabi ni Yasmien Kurdi nang nakausap namin ito sa presscon ng “Sa Piling ni Nanay.” Payat-payatan at seksi-seksihan ngayon si Yasmien at braless pa sa suot niyang long gown.

Asked Yasmien kung payag ba siyang mag-sexy pose sa isang men’s magazine gaya nina Katrina at Jennylyn? Twice naging Number One si Katrina sa FHM’s Sexiest Pinay noong wala pa siyang anak. Last year, si Jen ang Top One kahit nanay na siya.

Big NO kay Yasmien ang sexy and daring role. “Wala naman silang husband. Ako meron, kaya ayoko. Pamilyadong tao ako at respeto na lang sa asawa ko,” sabi ni Yasmien. Aniya pa, for her husband lang, kaya kinarir niya ang pagpapapayat. May 3-year-old daughter sila named Ayesha na kasama ni Yasmien noong presscon ng “Sa Piling ni Nanay.”

Cute, pretty, lovable at chubby ang bagets.

Ani Yasmien, kapag 7 years old na si Ayesha at saka nila ito susundan. Wala kasing mag-aalaga sa bagets dahil mahirap daw kumuha ng mapagkakatiwalaang yaya. Besides, gusto nilang mag-asawang i-enjoy muna ang kanilang anak.

Supportive ever sa career ni Yasmien ang husband niyang licensed pilot sa isang international airline company.

No second chance

Magkasama sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa “Sa Piling ni Nanay” (SPNN) kung saan kontrabida si Katrina. Sobrang pagmamaldita ang gagawin niya kay Yasmien. Ani Katrina, natatakot siyang masaktan si Yasmien, kaya medyo ninenerbiyos siya sa mga eksena nilang sinasaktan niya physically si Yasmien. Off-camera kasi’y good friends sila.

“Sobrang bad ang karakter ko bilang Scarlet,” saad ni Katrina.

Inintriga ng press si Katrina kung sinadya ba raw na Scarlet ang pangalan niya sa SPNN na kapangalan ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow. Remember, ang controversial sex video noon nina Hayden at Katrina?

Ani Katrina, nagulat siya nu’ng lumabas ang pictures ng bagets at Scarlet ang pangalan nito. Pero aniya, naunang pangalanang Scarlet ang karakter niya sa SPNN at nagti-taping na siya bago pa ipinakilala sa publiko ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Single mom si Katrina sa kanyang 4-year-old daughter na si Katie. Si Kris Lawrence ang biological father nito at ani Katrina, okey naman sila ni Kris matapos silang mag-break. Friends sila at malayang nadadalaw ni Kris ang anak nila.

Ipinagdiinan ni Kat na malabo nang magka-second chance sila ni Kris. “Wala na talaga!” she said.

Mark-Katrina affair

Tulad nina Yasmien Kurdi at Katrina Halili, may anak na rin si Mark Herras. Magkakasama silang tatlo sa “Sa Piling ni Nanay.” Batchmates sila sa “Starstruck 1” na si Mark ang Ultimate Male Survivor, si Jennylyn Mercado ang Ultimate Female Survivor, samantalang Starstruck Avengers sina Yasmien at Katrina.

Na-link noon si Mark kay Katrina. Pero never kay Yasmien. Ani Mark, pareho sila ng manager, si Lolit Solis, kaya parang kapatid lang ang turing niya kay Yasmien. Hindi na si Lolit ang manager ngayon ni Yasmien at GMA Artist Center na ang namamahala sa kanyang career.

Malabong ma-link ngayon si Mark either kina Katrina at Yasmien. Happily married si Yasmien at si Mark naman ay sobrang in love kay Winwyn Marquez. “She’s (Winwyn) the one na talagang gusto kong pakasalan two years from now,” sabi ni Mark. “Kung magkakaanak akong muli, gusto ko kasal muna.” Magti-three years old sa Nov. 7 ang anak niyang si Ada sa isang non-showbiz girl.

Getting closer

Getting closer sina Aljur Abrenica, JV Gonzales at Yasser Malta. Kapag break time nila sa set ng “Once Again,” maykantahan at jamming sessions silang tatlo bilang bonding moments nila.

Marami naman ang kinikilig kina Aljur at Janine Gutierrez. Ang lakas daw ng screen chemistry nila. Mamaya sa “Once Again,” ibi-break ni Aldrin si Celeste. Hihingi si Ricardo (Christopher de Leon) ng tawad kay Des sa ginawa niyang paghagupit ng sinturon kay Edgar. Susugurin ni Lukas si Aldrin at papaluin ng baseball bat.

Father’s Day presentation

Father’s Day presentation today ng “Yan ang Morning.” Guests sina Gloc-9 at Candy Pangilinan. Ibabahagi ni Gloc-9 ang style niya sa pagpapalaki sa kambal niyang anak. Tatay at nanay naman si Candy sa kanyang special child. Alamin ang mga pagsubok sa pagpapalaki niya sa kanyang anak.

Ise-share naman ng YAM host na si Marian Rivera ang specialty niya sa kusina para sa kanyang hubby na si Dingdong Dantes. Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.

comments