Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 sugatan sa accidental firing

4 sugatan sa accidental firing

DASMARINAS, Cavite – Apat na katao ang malubhang nasugatan nang aksidenteng pumutok ang shotgun ng isang security guard sa security area ng Banco de Oro-First Cavite Industrial Estate Compound na nasa Barangay Langkaan II ng lungsod, nitong Huwebes ng umaga.

Naganap ang accidental firing habang nililinis ni Eric Rodrigueza Talinting, 34, ang kanyang service Armscor shotgun bandang 11:30 a.m., ayon sa police report.

Kinilala ni P03 Reynald Afable, may hawak ng kaso, ang mga sugatan na sina Ronni de Jongoy Llander, 42, operations manager ng De Calibre Security Agency; Jonry Monterola Catarinting, 24; Freddie Porras Gerasmo, 27, pawang mga security guard; at Millard Lopez Manzon, 37, utility man.

Isinugod sa M.V Santiago Hospital ang mga biktima na pawang tinamaan ng bala sa kanilang mga paa.

Dinala si Talinting, empleyado rin ng De Calibre Security Agency, sa Dasmariñas police station para sumailalim sa imbestigasyon. (Anthony Giron)

comments