Home » Entertainment » Ervic fails, wins in love

Ervic fails, wins in love

Ervic

Inamin ng model-turned-Kapuso hunk na si Ervic Vijandre na ilang beses na niyang naranasan na maging unlucky in love.

Ang mga naging ex-girlfriends kasi ni Ervic ang nagi-ging suwerte sa pag-ibig kapag naghiwalay na sila.

Tulad na lang ni Marian Rivera na misis na ngayon ni Dingdong Dantes; ang StarStruck 4 First Princess Rich Asuncion na karelasyon ng Aussie-Filipino football player na si Benj Mudi at ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella Arida ay may nababalitang lovelife na rin ngayon.

Kung noon ay para raw desperado si Ervic na mahanap ang tamang babae sa buhay niya, pinapabayaan na lang niyang ito ang dumating sa kanya.

“Ang motto ko ngayon: Don’t look for love. Let it come to you.

“Huwag na lang nating hanapin kasi dadating din ‘yan eh.

“Actually for a time, na-pressure ako na magkaroon ng karelasyon, ‘yung magkaroon ka lang ng girlfriend para may masabi ka sa mga friends mo na may girlfriend ka.

“Kasi noong wala akong girlfriend, parati akong ninth wheel, thirteenth wheel,” tawa pa niya.

Na-realize ng aktor na hindi tama na madaliin ang isang bagay tulad ng panliligaw at pakikipag-date.

“For a time, ’yung mga nakikita kong maganda, gusto kong ligawan.

“Pero eventually, ma-re-realize ko na hindi right timing, hindi kami connected, or pi-nipilit lang for the sake na may maka-date.”

Ngayon ay may masasabi nang tamang babae sa buhay niya si Ervic.

Nakilala raw niya ito noong minsang magbakasyon siya sa Boracay.

Unexpected nga raw na pagtatagpo nila ng babaeng ito na taga-Australia.

“Kapag hindi mo hina-hanap, ‘yung mga unexpected talaga, dun mas nag-wo-work.

“‘Yung tipong pang-pelikula na hindi mo sinasadya, hindi mo gustong ipilit.

“Iba-iba ’yung mga circumstances at ’yung sitwasyon, pero para sa ‘kin, mas magan- da ’yung natural na dadating sa ‘yo,” pagtapos pa ni Ervic na napapanood sa sexy comedy ng GMA-7 na “A1 Ko Sa ‘Yo” at sa Kapuso teleserye na “Poor Señorita.” (Ruel J. Mendoza)

comments