Home » News » Headlines » Hit-and-run binubusisi ng NBI

Hit-and-run binubusisi ng NBI

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation-Death Investigation Division ang pagkamatay ng isang paslit sa isang hit-and-run incident sa Makati City noong Hunyo 10.

Ang biktima na nakilalang si Merlin Villasin, 6, ay nabundol umano ng isang itim na Ford Everest Sports Utility Vehicle habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan sa Curie St., Barangay Palanan.

Ayon sa opisyal ng NBI-DID, nakakuha na sila ng closed circuit television camera footages sa lugar pero wala pa silang kopya ng CCTV na actual na nakakuha ng insidente at malinaw na kuha upang makumpirma ang plaka ng sasakyan. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments