Home » Entertainment » Mark tatlong beses binasted ni Winwyn

Mark tatlong beses binasted ni Winwyn

Mark Herras and Winwyn Marquez

MALA-Pia Wurtzbach si Mark Herras bago niya napasagot ng “oo” si Winwyn Marquez. Ani Mark, tatlong beses siyang binasted ni Winwyn. Pero hindi siya sumuko at nagpursige siya sa panliligaw. Pinatunayan niyang malinis ang intensiyon niya kay Winwyn at seryoso siya sa dalaga.

Si Pia, try and try din sa pag-join sa beauty contest hanggang naging Miss Universe 2015 siya. Waging-wagi, di ba?

Same with Mark na talagang nagtiyaga sa panliligaw kay Winwyn. Kapag may tiyaga, may nilaga, so to speak.

Almost a year na officially together sina Mark at Winwyn. Pero ayaw sabihin ni Mark ang exact date at sa kanilang dalawa na lang daw ’yun ni Winwyn. “Gusto naming maging private. Open na naman kami sa aming relasyon,” ani Mark sa presscon ng “Sa Piling ni Nanay.”

Lucky charm niya si Winwyn at good influence ito sa kanya. Puro positive vibes ang naidudulot ng pakikipagrelasyon niya kay Winwyn. Dalawa ang bagong TV shows ni Mark sa GMA7, “Sa Piling ni Nanay” at “Conan, May Beautician.” Sa June 27 ang pilot telecast ng SPNN sa Afternoon Prime at sa June 26 naman (every Sunday) ang CMB.

comments