Home » News » News Roundup » Ama nagbigti matapos ipagkait na makita ang anak

Ama nagbigti matapos ipagkait na makita ang anak

Isang 26-anyos na lalaki ang nagpakamatay matapos ipagkait ng kaniyang dating live-in partner na makita ang kanilang anak sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Jason Rodriguez, residente ng Lavezares street sa Binondo na nagbigti umano gamit ang isang nylon cord ganap na 7 p.m. Huwebes ng gabi.

Ayon sa nanay ng biktima, ilang araw na umanong balisa ang biktima matapos ang away nito sa kaniyang dating kinakasama.

Nalaman din ng biktima na may iba nang kinakasama ang kaniyang dating live-in partner. Dinala ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kung saan idineklara itong dead on arrival. (Jenny F. Manongdo)

comments