Home » Entertainment » Benjamin, hanggang paasa lang

Benjamin, hanggang paasa lang

Benjamin Alves

NO show si Benjamin Alves sa presscon ng “Sa Piling ni Nanay.” Dahil kaya special participation lang siya sa naturang Afternoon Prime series ng GMA7?

O hindi kaya umiwas lang si Benjamin matanong tungkol sa kanila ni Julie Anne San Jose? “Item” ngayon ang dalawa na muling nalilink sa isa’t isa.

Na-link na sila noon. Naudlot nga lang dahil natsikang nanliligaw rin si Benjamin kay Glaiza de Castro. Wala ring nangyari dahil hindi nag-pursue si Benjamin.

Sa isang interbyu, sinabi ni Glaiza na hindi naman niya binasted ang Kapuso actor. Na-feel lang daw niyang hindi sila swak ni Benjamin. Kumbaga, not meant to be sila para sa isa’t isa.

Na-link din si Benjamin kay Kylie Padilla. Sa set visit noon sa isang teleserye ni Kylie, ipina-off-the-record pa niya ang pangalan ng Kapuso actor na aniya’y nagpapakilig ng puso niya. But then, wala ring nangyari, hanggang na-link naman si Kylie kay Julian Trono. Ano na nga bang latest development kina Kylie at Julian? Waley (wala) rin bang nangyari at isipin nalang na gimmick lang ’yun?

Just curious, bakit kaya hindi napu-push to the max ang pakikipagmabutihan ni Benjamin sa Kapuso female stars na nali-link sa kanya? Unang na-link sa kanya si Max Collins. Hanggang pa-fall (paasa) lang kaya si Benjamin?

comments