Home » News » News Roundup » Malaysian patay sa hotel

Malaysian patay sa hotel

Isang Malaysian national na may iniindang asthma ang natagpuang patay sa loob ng kaniyang hotel room sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni PSupt. Albert Turco Barot, Ermita Police Station Commander ang biktima na si Stephen Yaman, 60-anyos na sinasabing huling nanirahan sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tinawagan ng biktima ang kaibigan nito na si Jesus Monton, 60-anyos, kung saan sinabi nito na nahihirapan siyang huminga.

Sinundo ito ni Monton at sinamahan sa Palm Plaza Hotel kung saan na ito natulog matapos makainom ng gamot para sa asthma.

Ganap na 11:45 ng gabi nang mapansin na lamang ni Monton na hindi na humihinga si Yaman. Agad na nagpatawag ang hotel staff ng ambulansya upang itakbo ang biktima sa Philippine General Hospital kung saan ito idineklarang dead on arrival dakong 12:45 am ng Biyernes. Kasalukuyang nagsasawa naman ang pulisya ng imbestigasyon. (Analou De Vera)

comments