Home » Entertainment » Nadine expecting baby girl in October

Nadine expecting baby girl in October

19nadine copy

MASAYANG-masaya ang “StarStruck” Season 1 avenger na si Nadine Samonte dahil isang baby girl ang magiging panganay nila ng kanyang mister na si Richard Chua.

Si Richard ay anak ng dating aktres na si Isabel Rivas.

May napili na silang mag-asawa na name para sa kanilang baby girl at ito ay Heather Sloane.

Sa sobrang galak ay hindi napigilan si Nadine na i-post sa kanyang Instagram account ang magandang balitang ito.

“Now its official we are having a baby Girl! Presenting our baby Heather Sloane Chua #HeatherSloane me and daddy @rboy_chua cant wait to see you #babybooboo #babybooboosoon”

Noong nakaraang February lamang in-announce ni Nadine na buntis na siya pero naging delikado ang kanyang pagbubuntis.

Naospistal siya noong first few weeks ng kanyang pagbubuntis.

Kaya hindi na tumanggap muna ng trabaho si Nadine habang buntis siya dahil gusto niyang ingatan ang kanilang magiging firstborn ni Richard.

Huling napanood si Nadine sa isang teleserye ng TV5.

Kuwento pa niya ay mas na-ging emotional daw ang mister kaya mas nauna pa raw itong umiyak noong marinig ang heartbeat ng kanilang baby sa unang ultrasound session nito.

Sa October 2016 ang expected delivery date ni Nadine ng kani-lang baby girl ni Richard. (RUEL J. MENDOZA)

comments