Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pusher tepok sa buy bust

Pusher tepok sa buy bust

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang hinihinalang drug pusher na kasama sa watch list ang napatay sa isang buy-bust operation Miyerkules ng gabi sa bulubundukin lugar dito.

Ayon kay Sr. Supt. Florendo C. Quibuyen, provincial director ng Oriental Mindoro Philippine National Police (PNP), nakilala ang napatay na si Bartolome Diaz, alyas Bart na residente ng Batangas.

Base sa imbestigasyon, nagsagawa ng isang buy-bust operation sa Leuteboro, Socorro kung saan sinasabing nag-ooperate bilang drug peddler si Diaz.

Nang magka-abutan na ng marked money at droga ang poseur-buyer na si PO3 Benjie Luarca, agad na bumunot ng baril si Diaz at tinangkang barilin ang pulis.

Dito na nakita ni Inspector Markson Almenarez na team leader ng elemento ng PNP Socorro ang nangyaring putukan, dahilan para barilin din nito si Diaz. Dinala pa ang suspek sa Grace Mission Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Chester de Castro.

Samantala narekober sa crime scene ang kalibre .38 na ginamit ng suspek, live ammunitions at empty shells. Nakuha din dito ang 20 piraso ng sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu. (Jerry Alcayde)

comments