Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » SB member patay sa riding-in-tandem

SB member patay sa riding-in-tandem

BUTUAN CITY – Patay ang isang bagong halal na Sangguniang Bayan (SB) member ng Hinatuan Town, Surigao Del Sur matapos tambangan ng riding-in-tandem sa national highway Sabado ng umaga dito.

Ayon sa report na galing sa Surigao del sur Police Provincial Office (PPO) at Hnatuan Municipal Police Station (MPS), minamaneho nh biktima na si Leonor Dinagay, 57-anyos ang kaniyang L-300 Delica van sa kahabaan ng national highway ng Hinatuan town nang paulanan ito ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Papunta noon ang biktima sa isang programa sa Mongcag nang tabihan ito ng humaharuruot na Honda XRM motorcycle na agad pinagbabaril ang biktima.

Bahagyang nakalayo pa ang sugatan na biktima ngunit patuloy pa itong pinagbabaril. Tatlong bala ang tumama sa biktima na dead on arrival naman sa Hinatuan District Hospital sa Hinatuan town.

Patuloy ang pursuit operation laban sa dalawang suspek ng Surigao del Sur PPO at Hinatuan MPS, ayon sa Police Regional Office 13. (Mike U. Crismundo)

comments