Home » News » News Roundup » 4 na tulak arestado ng NBI

4 na tulak arestado ng NBI

Apat na hinihinalang drug pusher ang naaresto ng National Bureau of Investigation habang nagiimpake ng hinihinalang shabu sa isang raid sa isang condominium sa Pasay City kahapon.

Naaresto sa bisa ng search warrant sina Enjom Jainoddim, asawa niyang si John, kapatid na si Miam, at Manik Halis, barangay kagawad ng Culiat, Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 39 transparent sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na isang kilo, isang timbangan, mga tsinelas, pambalot ng pagkain, P3,500 cash, at Malaysian ringgit.

Iniimpake ng mga suspek ang malalaking pakete ng shabu sa mga tsinelas at maliliit na pakete ng shabu sa mga pambalot ng pagkain at ipinapadala sa Malaysia pagkatapos.

Napagalamang matagal ng tinitiktikan ng NBI ang mga suspek mula Zamboanga hanggang Metro Manila.
(Argyll Cyrus B. Geducos)

comments