Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Agusan wanted man arestado

Agusan wanted man arestado

BUTUAN CITY – Nadakip ng mga awtoridad ang itinuturing na No. 2 most wanted ng bayan ng Remedios Trinidad Romualdez (RTR) sa Purok 8, Barangay Poblacion, RTR, noong Biyernes.

Kinilala ni Senior Inspecto Adonis Ace B. Valones ang nadakip na suspek na si Peter M. Mandag, alyas Ladoy, 32.

Inaresto siya sa bisa ng kautusan ni Judge Orlando F. Doyon ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 34, Cabadbaran City, Agusan del Norte, dahil sa kasong robbery with homicide, ayon kay Valones.

Kasalukuyang nakakulong si Mandag sa RTR Police Station. (Mike U. Crismundo)

comments