Home » News » News Roundup » Bangkay natagpuan sa ilog

Bangkay natagpuan sa ilog

Natagpuan ang katawan ng isang matandang babae sa Ilog Pasig sa Quiapo, Maynila kahapon. Ang biktima ay tinatayang 60 hanggang 65 taong gulang at nakasuot ng asul at puting T-shirt at floral na underwear.

Ayon kay PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, natagpuan ng isang concerned citizen ang biktima sa likuran ng Feati University at kaagad nitong ipinagbigay alam sa security guard ng paaralan.

Iniulat ng security guard ang insidente sa Manila Police District Sta. Cruz police station. Binalikan ng mga pulis ang biktima pero inanod siya at nakita sa likuran ng Quinta Market.

Walang nakitang anumang sugat o bali ang biktima at dinala ang kanyang katawan sa St. Rich Funeral Homes sa Quezon City upang suriin. Hinala ng mga pulis na nalunod ang biktima sa kahabaan ng ilog at dinala ng agos sa Quiapo. (Analou C. de Vera)

comments