Home » News » News Roundup » Driver arestado sa pagnanakaw

Driver arestado sa pagnanakaw

Arestado ang isang 33 taong gulang na driver pagkatapos umanong nakawin at isanla ang cellphone ng kanyang among babae sa Pasay City noong Sabado.

Kinilala ni PO1 Gerald Royo ng Pasay police Station 11 ang suspek na si Ariel Yusi, residente ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Ayon kay Royo, ipinahiram ng biktimang si Vida Victoria Vasquez, 28, isang certified public accountant at residente ng Flair Towers Condominium, Mandaluyong, ang kanyang cellphone sa suspek upang tumawag ng taxi para sa kanyang kaibigan.

Hindi bumalik at matawagan ang suspek pagkaraan ng 30 minuto. Iniulat ng biktima ang insidente sa mga pulis at naaresto ang suspek sa kanyang bahay.

Hindi narekober ang cellphone at sinabi ng suspek na naisanla niya ito sa kanyang kamaganak dahil kailangan niya ng pera para sa kanyang anak. (Martin A. Sadongdong)

comments