Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Kawani ng peryahan sa QC nagpakamatay

Kawani ng peryahan sa QC nagpakamatay

Isang empleyado ng peryahan ang nagpakatamay sa loob ng isang peryahan sa Barangay Talipapa, Quezon City kahapon.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Jerry Javier, 55, walang asawa, at residente ng Barangay Sitio Tumana, Marikina City.

Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng QCPD-CIDU, nakipaginuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan bago ang insidente at gumawa umano ng kaguluhan pagkatapos.

Inawat ang biktima ng mga kamaganak at pumunta sa kanyang puwesto sa perya. Kumuha ng patalim ang biktima at sinaksak ang sarili niyang dibdib ng limang beses.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. (Francis T. Wakefield)

comments