Home » News » News Roundup » Mga patalim nakuha sa lasing

Mga patalim nakuha sa lasing

Apat na lalaki ang nahuli ng mga pulis habang nagiinuman sa kalye sa Pasay City noong Sabado. Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Cabigao, 22, at Alfonso Cabigao Jr., 26, magkapatid, Jerby Dayrit Jr., 23, mga residente ng Mariano St., Barangay 148; at Joseph Saldino, 24, ng Maricaban, Barangay 184.

Naaresto ang mga suspek dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 265 na nagbabawal uminom sa mga pampublikong lugar pagdating ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang mga patalim at mga bote ng alak. Dinala ang mga suspek sa Pasay police headquarters at nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 265.

Nahaharap din sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 6 o illegal possession of deadly weapon ang magkapatid na Cabigao at si Saldino. (Martin A. Sadongdong)

comments