Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 1 patay sa bangga ng trike at payloader

1 patay sa bangga ng trike at payloader

TAYABAS CITY, Quezon – Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang lima niyang pasahero, kabilang ang isang siyam na buwang sanggol, nang bumangga ang kanilang sasakyan sa isang payloader sa Barangay Mateuna, Linggo ng umaga.

Namatay noon din si Antonio Concepcion Marinata, 33, dahil sa matinding pinsala sa ulo. Kinilala ng police ang mga sugatan na sina Jimmy J. Mahino, 35; lineman; Baby Nerce Romero Faustino, 18, student; Harold L. Gaasis, 17, student; Pricess L. Gaasis, 21, at ang kanyang sanggol na si Atina.

Base sa police report, minamaneho ni Marinata ang kanyang tricycle (XX-4860) bandang 9:30 a.m. nang mabangga ng paparating na payloader. Pinaghahanap ngayon pulisya ang driver ng payloader na tumakas matapos ang aksidente. (Danny J. Estacio)

comments