Home » News » News Roundup » 7 arestado dahil sa drugs

7 arestado dahil sa drugs

Pitong kataong sangkot umano sa droga ang arestado ng Quezon City Police District sa dalawang magkahiwalay na operation sa Quezon City kamakailan.

Nakilala ang mga suspek na sina Jonathan Azul, kapatid niyang si Jason at Mary Ann Sta. Monica, Reynaldo Ramos, Earl Vincent Cantilang, Ivann Ladion, and Francis Vosetros.

Ayon kay Senior Insp. Paterno L. Domondon Jr., hepe ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group ng QCPD Station 6, naaresto ang mga magkakapatid sa isang raid sa kanilang bahay sa Acasia St., Barangay Commonwealth.

Naaresto ang iba pang mga suspek ng QCPD Station 2 sa isang buy-bust operation sa Road 1, Barangay Bagong Pag-asa. (Francis T. Wakefield)

comments