Home » News » News Roundup » Matanda namatay sa hotel

Matanda namatay sa hotel

Natagpuang patay ang isang matandang maysakit umano sa puso at baga sa isang hotel sa Pasay City noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Gerardo Tan, 59, ng Purok 1, Maraway, Lipa City, Batangas. Ayon sa imbestigasyon, hindi nakapagcheckout ang biktima ng takdang oras at dahil dito, pinuntahan ng room boy at day shift supervisor si Tan sa kanyang kuwarto.

Binuksan ng dalawa ang kuwarto at nakita ng dalawa ang biktima na nakahandusay sa kama at walang suot na pangitaas. Sinubukang gisingin ng dalawa ang biktima pero siya ay isa ng malamig na bangkay at nangangamoy na.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Rizal Funeral Homes sa Pasay. Ipinabigay alam na sa mga kamaganak ang insidente. (Martin A. Sadongdong)

comments