Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Navy man dedo sa motorbike crash

Navy man dedo sa motorbike crash

IMUS, Cavite – Patay ang isang miyembro ng Philippine Navy nang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa bridge gutter sa Daanghari Road, Barangay Anabu II-D ng lungsod, Linggo ng hapon.

Dead on the spot si Eugene Caesar Cunanan Falle, 22, ng Lakeshore Subdivision, Tunasan, Muntinlupa City, dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Ayon kay PO1 Jessie T. Villanueva, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente sa Pasong Santol Bridge habang minamaneho ni Falle ang kanyang Kawasaki Rouser motorcycle (1547 QT) patungong Aguinaldo Highway bandang 5:30 a.m..

Napag-alaman na sumadsad ang motorsiklo ni Falle sa daan bago pa ito tumama sa bridge gutter. Wala nang buhay si Falle nang dumating ang city rescue team sa lugar. (Anthony Giron)

comments