Home » News » Headlines » Oil prices tatapyasan

Oil prices tatapyasan

Magbabawas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw na ito.

Sa abiso na ipinalabas ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Petron Corp., babawasan nila ang presyo ng gasolina ng 65 sentimo kada litro at diesel ng ganon ding presyo.

Tatapyasan din nila ang presyo ng kerosene ng 45 sentimo kada litro.

Epektibo ang mga pagbabago ng Shell alas-sais ng umaga at 12:01 a.m. naman para sa Petron ngayon.

Ayon sa Petron, ang mga pagbabago ay dulot ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. (PNA)

comments