Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » PAF sarge nahulog sa bangin

PAF sarge nahulog sa bangin

SAN FERNANDO CITY, La Union – Isang miyembro ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi nang mahulog siya sa bangin habang nagbibisekleta sa Barangay Puspus ng lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Superintendent Bryant Demot, city police chief, ang biktima na si T/Sgt. Israel Romano Gamboa, 42, nakatalaga sa PAF’s 580th Aircraft Control and Warning Group (PAF-ACWG) na naka-base sa Poro Point.

Base sa police report, nagsagawa ang biktima at iba pang tauhan ng PAF-ACWG ng tree-planting activity at outreach program sa Barangay Puspos bandang 8 a.m.

Habang papauwi ang kanilang grupo sakay ng kani-kanilang bisekleta, nawalan ng preno si Gamboa at tuloy-tuloy na bumagsak sa bangin na may lalim na 20 talampakan. Isinugod ang biktima sa Bethany Hospital ngunit patay na siya nang idating doon. (Erwin G. Beleo)

comments