Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sunshine Dizon’s IG post hints at marital problem

Sunshine Dizon’s IG post hints at marital problem

Sunshine Dizon

ISA pang Sunshine ang may marital problem, si Sunshine Dizon. Pareho sila ng kaso ni Sunshine Cruz na may third party involved sa hiwalayan nila ng husband nitong si Cesar Montano.

All the while, akala ng marami’y smooth-sailing ang married life ni Sunshine Dizon and her non-showbiz husband. Sa mga interbyu kay Sunshine, sinasabi niyang very understanding at supportive ever ang husband niya at never siyang pinigilan nito sa kanyang showbiz career.

Ikinagulat ng marami ang post ni Sunshine sa kanyang social media account na nagpahiwatig na may pinagdaraanan silang problema ng husband niya. Nalaman ni Sunshine na may ibang babae ang asawa niya at ipinost pa niya ang picture ng girl.

And take note, that girl ay nakatira sa same building kung saan nakatira si Sunshine and her two kids. Nakakaloka na married ang girl at ipinost din ni Sunshine ang picture nito kasama ang husband nito.

Ang caption ni Sunshine, excited siyang ma-meet ang husband ng girl. Mukhang may nakaambang gulo na pagpipistahan na naman ng press sa post ni Sunshine tungkol sa babaeng obviously ay kilala niya dahil pinangalanan niya ’yun.

Di nagpakabog

Hindi nagpakabog si Janine Gutierrez sa aktingan sa eksena nila ng kanyang lolo Christopher de Leon sa “Once Again.”

Sabi niya noong presscon nito, kinakabahan siyang maka-eksena ang kanyang lolo dahil batid niya ang calibre nito bilang isang mahusay na aktor.

Sa napanood naming episode ng “Once Again” kung saan tinanong ni Janine (Des) si Ricardo (Christopher de Leon) tungkol sa ginawa nito noon kay Edgar (Aljur Abrenica), mahusay na naitawid ni Janine ang emosyon niya habang kausap si De Leon. Hindi na kagulat-gulat kung kilalanin si Janine na isa sa mga pinakamahusay na aktres sa kanyang panahon. Keep it up, girl!

Si Aljur Abrenica na love interest ni Janine sa “Once Again” ay nagsabing nakahanap siya ng mga bagong “kapatid” sa katauhan nina Jeric Gonzales at Yasser Malta, co-stars niya sa “Once Again.” Kuwento ni Aljur, minsang nagdala siya ng gitara sa set at kumanta siya habang break time, naki-join sa kanya sina Jeric at Yasser. Mahilig din pala sa musika ang dalawa, ani Aljur. Kaya ’yun, naging habit na nilang magkantahan kapag break time nila.

Mamaya sa “Once Again,” malalaman na ni Agnes na si Des ang tunay niyang anak. Susugurin niya si Madel sa bahay nito. Magagalit si Celeste sa nakita niyang sweetness nina Aldrin at Des. Susugurin niya si Des, pero aawatin at palalayasin siya ni Aldrin. Nagbanta si Celeste na gaganti siya.

Kakaibang kasiyahan

Isa na lang ang regular show ni Derrick Monasterio sa GMA7, ang “Makita Kang Muli.” Natapos na kasi ang “Vampire ang Daddy Ko.” Busy pa rin si Derrick dahil sa ginagawa niyang mall shows para sa promotion ng kanyang self-titled debut album under GMA Records.

Ani Derrick, kakaibang kasiyahan ang nararamdaman niya kapag nagmo-mall show siya. Ramdam niya ’yung paghanga sa kanya sa isang bagay na ginagawa niya nang buong puso. Ang init ng pagtanggap sa kanya ng audience, kaya hindi siya nakakaramdam ng pagod sa sunud-sunod na performances niya.

Given a chance, gusto raw ni Derrick gumawa ng isa pang album na siya ang magsusulat ng mga kanta. “Para mas personal at mas madaling iparamdam sa fans ang saloobin ko,” anang GMA Artist Center talent at Kapuso heartthrob.

comments